Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dahlia, ‘di ipinagdamot nina Anne at Erwan

IPINAGMAMALAKI pa ni Anne Curtis, seven months na ang anak niyang si Dahlia. Iyang si Dahlia na yata ang showbiz baby na may pinakamaraming pictures. Kapapanganak pa lang niya lumabas na agad sa social media account ng kanyang mga magulang ang pictures niya.

Hindi ipinagdamot ni Anne at ni Erwan ang picture ng kanilang anak sa fans. Siguro masasabi ngang natural lang iyon dahil maganda ang kanilang anak, at talagang maipagmamalaki nila. Iyong iba naman kaya itinatago ang anak ay dahil hindi maganda.

Pero napapansin namin, sina Anne at Erwan ay hindi kagaya ng ibang mga magulang na siyang nangangarap para sa kanilang mga anak. Nagkukuwento sila tungkol sa kanilang anak pero wala silang nababanggit na ambisyon para roon. Makikita mong gusto nilang bigyan ng kalayaan ang kanilang anak na piliin ang buhay na gusto niya pagdating ng araw.

Basta mahahalata mong masayang-masaya sila sa kanilang baby, at tila pinaghahandaan nila ang bawat buwang dumaan sa buhay niyon. Maiisip mo tuloy, ano kaya ang gagawin nilang celebration kung siya ay one year old na? Tiyak na mas malaking celebration iyan.

Matagal din naman kasi silang naghintay na magka-anak. Matagal na silang kasal pero dahil sobrang busy noon si Anne, na-delay din ang kanilang honeymoon. Noon namang matuloy iyon, siniguro nilang ang kasunod nga ay ang pagkakaroon nila ng anak.

Masuwerteng bata rin naman iyang si Dahlia, dahil natikman niya ang lahat ng pangangalaga ng kanyang mga magulang, at siguro nga suwerte pa siya dahil sa umiiral na pandemic, dahil walang shooting at wala ring taping si Anne, at naaalagaan siya nang husto.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …