Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jodi at Raymart, may karapatang lumigaya

HINDI na natin kailangan pang kompirmahin kahit na kanino, kasi mismong sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria na ang umamin mismo ng kanilang relasyon sa kanilang social media account.

Hindi halos natin nabalitaan, pero lumalabas na split na pala si Raymart sa kanyang non-showbiz girlfriend. Kasi iyang si Raymart naman talagang malihim pagdating sa kanyang lovelife. Hindi siya nagkukuwento talaga sa mga bagay na iyan, at minsan matanong mo man ay umiiwas siyang magkuwento pa. Kaya ngayong inamin na niya ang relasyon kay Jodi, ibig sabihin sigurado na siya.

 

Wala namang problema sa kanilang relasyon. Ang alam namin lumabas na naman ang annulment ng kasal nina Raymart at Claudine Barretto na matagal din nilang hinintay simula nang sila ay magkahiwalay. Annulled na rin naman ang kasal ni Jodi kay Pampi Lacson, na ngayon ay asawa na ni Iwa Moto. Pareho sina Raymart at Jodi na may isang anak na lalaki. Hindi naman siguro nila magiging problema ang mga bata. Ang anak ni Jodi na si Thirdy ay kasama niya, samantalang ang anak naman ni Raymart na si Santino ay nasa custody ni Claudine.

 

Naniniwala kaming magiging maayos naman ang lahat. Kapwa naman sila nasa tamang edad na. Kapwa naman sila may karanasan na rin sa buhay may asawa, at siguro nga kung ano ang mga naging pagkakamali noong una ay alam na nila kung paano mabibigyan ng magandang solusyon para maging mahusay ang kanilang pagsasama.

 

Naniniwala rin kami na ang dalawang iyan, they deserve a better life, at siguro nga mangyayari lang iyon kung may makakasama na nga silang palagian sa kanilang buhay. Sana nga sila na iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …