Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

500 manggagawa ng Dole PH sinibak (Dahil sa pandemya)

HALOS 500 manggagawa ng Dole Philippines Inc., isang fruit processing firm sa bayan ng Polomolok, sa lalawigan ng South Cotabato, ang nawalan ng trabaho, matapos nitong ipatupad ang retrenchment program sa gitna ng krisis pang-ekonomiya sanhi ng pandemyang coronavirus disease (CoVid-19).

 

Ayon sa kompanya, sinimulan nila ang retrenchment program noong 18 Setyembre para mapanatili ang operasyon kaysa magsara ang kompanya.

 

Ang Dole Phils ay pag-aari ng Itochu Corp. of Japan, na nagmamantina ng 13,0000-ektaryang plantasyon ng pinya sa Polomolok, South Cotabato.

 

Base sa kanilang profile, mayroong 30,000 empleyado ang Dole Phils noong 2018.

 

Dagdag ng kompanya, ipinatupad nila ang pagbabawas  sa mga manggagawa nang may kaukulang abiso sa mga empleyado isang buwan bago ito simulan at binigyan din nila ng alalay sa kabuhayan bilang bahagi ng retrenchment package.

 

Samantala, ilang empleyado ang nagsabing hindi sila nabigyan ng abiso kaugnay ng pagtatanggal sa kanila at nalaman na lamang nila ito nang bumalik sila sa trabaho.

 

Karamihan sa mga natanggal na empleyado ay mula sa production at operation department ng kompanya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …