Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sherilyn sa laos issue — Salamat dahil para sa iyo sumikat ako

HINDI pinalampas ni Sherilyn Reyes ang mga netizen na nanlalait sa kanya at sa anak na si Hashtag Ryle Santiago kaugnay ng hindi magandang nangyari sa kanyang negosyo.

 

Post ng aktres sa kanyang Instagram account (@sherilynrtan), “Hindi ko maisip sa paanong paraan nagpapansin Si Ryle jamooski555. Isang halimbawa ito ng WAG MAGHUSGA NG TAO DAHIL DI MO ALAM ANONG PINAGDADAANAN.

 

“Hindi naka shades ang anak ko kahapon, naka tinted face shield sya na regalo ng @shopanystock. Malabo ang paningin din nya dahil dinilate ang pupil niya,” depensa ng aktres sa anak.

 

Dagdag pa nito, “Panay daw raket kami, OO SALAMAT SA DIYOS, sa panahon na ito, madaming raket na dumadating.

 

“WALA daw KAMING PERA, totoo rin! At kahit kailan lalo na sa mga kakilala ko ay never ko ikinaila na wala akong pera ngayon.

 

“Sa kasamaang palad, na swindle ako last year. Masaklap pero buong pamilya ko ay lumalaban araw araw at gumagapang para mabayaran ang utang na di naman amin.

 

“Pera na itinakbo ng iba, pera na sana ay magiging seguridad ng mga anak ko sa kanilang kinabukasan. Dalangin ko na sana hindi mo maranasan dahil mahirap at masakit,” paliwanag pa ni Sherilyn.

Nangako naman siya na tatapusin nila ang pagbabayad sa mga pagkakautang.

 

“Gagawin mong lahat para masigurong matupad mo buwan buwan ang obligasyon mo, sa mga panahong nalulungkot ka at naiiyak, pipilitin mong ngumiti nang di rin maging malungkot ang pamilya mo.

 

“Na araw araw kulang na lang isigaw mo ang dasal mong sana matapos na ang problemang hindi naman dapat sa yo pero dahil maayos kang tao, inaako mo at ng pamilya mo.

 

“Na araw araw pinagpapasalamat mo na ang asawa mo ay nagpapakumbaba sa mga tao para makiusap dahil kayo ay naloko sa negosyo.

 

“Sana di mo maranasan dahil di ko gugustuhin maranasan mo o nang kahit sino ang pinagdadaanan naming.”

 

At sa sinabi ng basher na laos na siya, ito ang sagot ni Sherylyn, “Sa 26 years ko sa Showbiz, kahit kelan hindi ko na consider ang sarili kong sumikat pero dahil sabi mong laos na ko, salamat na para sa yo ay sumikat din pala ko Kahit papano.

 

“Nakakalungkot na sa gitna ng pandemya nagawa mo pa kaming laitin mag-ina na wala naman ginagawa sa yo.

 

“Galing kami sa simbahan at pinagdasal kita, halatang di ka masaya. Ipagpasalamat mong buhay ka at malusog at walang problema katulad ng akin,” pagtatapos ng aktres.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …