Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PACC bilang observer sa bidding, hirit sa LTO

NAIS ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na umupo bilang observer sa pre-bidding conference at bidding sa mga multi-bilyong proyekto sa Land Transportation Office (LTO) bunsod ng mga ulat na may naganap umanong iregularidad sa naturang proseso lalo sa plaka ng motorsiklo at RFID stickers.

Ayon sa source, hindi pa tumutugon ang LTO sa kahilingan ng PACC at maaaring ikinagulat ito ng ahensiya dahil hindi umano ito regular na ginagawa ng anti-corruption body.

Ang PACC ay pinamumunuan ni Commissioner Greco Belgica.

Mismong ang Malacañang ay inihayag na maraming anomalyang nagaganap sa LTO kaya’t hinimok ang publiko, maging ang mga lumahok sa mga bidding na nadehado na magsampa ng reklamo laban sa mga opisyal at kawani ng ahensiya.

Ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque ang panawagan kasunod ng mga ulat na kaduda-duda ang paggawad ng LTO sa mahigit P1 bilyong kontrata ng plaka at RFID stickers sa umano’y paboritong kompanya na Trojan Computer Forms Manufacturing Corp. at J.H. Tonnjes E.A.S.T. GmbH & Co. KG.

Nabatid, lahat ng specifications na nakasaad sa terms of reference (TOR) sa mga proyekto ng LTO ay tila pinasadya para tumugma sa kapabilidad ng Trojan/Tonnjes upang madiskalipika ang ibang kalahok sa bidding.

LTO REGION 7
DIRECTOR ISINABIT
SA KORUPSIYON

Bilang patunay na bistado ng Palasyo ang mga katiwalian sa LTO, isiniwalat ni Roque na si LTO Central Visayas regional director Victor Caindec ay iniimbestigahan sa isyu ng korupsiyon at gusto niyang masampahan ng mga kaso ang opisyal.

“Yes, I was referring to Caindec. I have affidavits to prove na kinikikilan niya ‘yung motorcycle distributors. This is a matter of public document already,” aniya sa Palace virtual press briefing kanina.

“Nang hindi po pumayag sa mataas ‘yung kikil na ibibigay sa kanya, saka po siya nagkaroon ng kung ano-anong hadlang,” dagdag niya.

May mga reklamo umano laban kay Caindec noong Hulyo dahil sa pagkabinbin sa proseso at release ng certificates of registration ng mga bagong kotse at motorsiklo sa rehiyon.

Ipinaabot ni Roque kay LTO chief Edgar Galvante ang usapin laban kay Caindec at saka lamang pinahintulutan ang mga motorcycle owner na makapagrehisto sa LTO sa labas ng lalawigan.

Matatandaan sa kanyang 2019 State of the Nation Address (SONA), tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang LTO bilang isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan kasama ang Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR), Land Registration Authority (LRA), at Pag-IBIG.

Nagbanta ang Pangulo na ‘papatayin’ sila kapag hindi tumino ang serbisyo.

“Kapag hindi n’yo pa nagawa ‘yan ngayon, papatayin ko talaga kayo. Nabubuwisit na ako,” sabi ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …