NAKAAALARMA NA simula nang tapusin ng 70 kongresista ang pagpapalabas ng mga show sa ABS-CBN dahil sa hindi pagbibigay muli ng prangkisa, maraming promising stars na kabataan ang napu-frustrate.
Ayon sa ilang nanay ng mga ito, marahil nasiraan ng loob ang mga nag-aambisyong mag-artista at maging singer kung paano nila itutuloy ang kanilang mga pangarap ngayong binura na ang ABS-CBN sa ere.
Hindi lang ang 11,000 empleado ang nawalan ng trabaho, pinutol din ng mga kongresista ang pangarap ng mga tin-edyer na nag-aambisyong magkaroon ng magandang career.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales