HATID ng number one FM Radio sa Mega Manila, Barangay LSFM 97.1, ang kauna-unahang Pa-Videoke on Radio via Unli Videoke Express na napakikinggan tuwing linggo ng umaga, 6:00-9:a.m. kasama ang masaya, makulit, at kuwelang tambalan nina Papa Ding at Janna Chu Chu.
Ayon kay Janna Chu Chu, “Napakadali lang mag-participate, makinig lang sila every Sunday morning from 6 to 9am sa programa naming UV Express (Unli-Videoke Express ) at puwede na nilang sabayan ang kanilang paboritong kanta.
“Paano? Madali lang magpa-reserve ng kanta, kailangan lang nilang pumunta sa FB Page ng Barangay LS (Barangay LS 97 ) at doon nakalagay ang aming digital song book.
“Pipili lang ng kanta at numero sa digital song book at iko-comment lang nila sa litrato namin ni Papa Ding ‘yung song at number ng kanta at kami na ang bahalang mag-play.
“At katulad ng sa KTV Bar, sinasabi rin namin kung sino ang nagpa- reserve ng kanta at ‘yung song na pinili niya and after the song mayroon ding score.”
Dagdag naman ni Papa Ding, “At hindi lang ‘yun, dahil sa programa naming ‘Unli-Videoke Express’ para ka talagang nasa loob ng KTV Bar dahil bukod sa puwede magpabati ng mga nagaganap o magaganap na selebrasyon sa iyong buhay o kahit kaibigan o kaanak mo, mayroon din kaming featured menu na talaga namang kakaiba na hatid ni Janna Chu Chu.
“Kaya naman sa mga nakaka-miss mag-videoke sa labas dahil bawal pa sa ngayon dahil sa Covid- 19 Pandemic, tumambay ka lang sa programa namin every Sunday dahil para ka na ring nag-videoke sa KTV Bar.”
Kaya naman para sa Unli na saya at Unli na musika, tutok na tuwing linggo, 6:00 to 9:00 a.m. kasama sina Papa Ding at Janna Chu Chu sa Programang Unli-Videoke Express or UV Express sa number one FM Radio Station sa Mega Manila, ang Barangay LSFM 97.1 FOREVER.
MATABIL
ni John Fontanilla