ISA si Angelica Panganiban sa walang planong iwan ang ABS-CBN o Kapamilya Network ngayong sarado dahil hindi nabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso.
Hindi naman itinanggi ng aktres na digital host na ngayon para sa #AskAngelica na marami ang tumawag sa kanya at nag-offer ng project mula sa ibang TV networks pero niya ito tinanggap.
Sa virtual presscon para sa bago niyang digital show na #AskAngelica ay ipinaliwanag niyang, ”hindi kasi sumagi sa isip ko, eh. Hindi pa siguro ngayon. Hindi ko puwedeng pangunahan ‘yung mangyayari, ‘di ba? Pero ngayon hindi ko lang kaya, happy ako, eh, kung nasaan ako ngayon, hindi ko pa nakikita ‘yung need bakit.
”I have nothing against naman sa mga kaibigan ko rin na gustong magtrabaho sa ibang network, ‘di ba?
“May mga pangangailangan tayo, eh. May mga kaibigan tayo sa industriya na talagang kailangang-kailangan, so roon sila, ‘di ba?”
Malabo nga na tumanggap si Angge ng ibang project sa ibang networks dahil may nakabinbin siyang pelikulang kasama si Coco Martin na sinyut nila sa Dubai handog ng Star Cinema bago mag-lockdown ang Pilipinas dahil sa Covid-19.
Bukod dito ay mapapanood na ang teleserye niyang Walang Hanggang Paalam sa Setyembre 28 mula sa Dreamscape Entertainment kasama naman sina Paulo Avelino, JC Santos, Cherie Pie Picache, Arci Munoz, at Zanjoe Marudo at itong #Ask Angelica na mapapanood sa Setyembre 25 sa social media accounts ng ABS-CBN Films (Star Cinema and Black Sheep), YouTube channels ng Sinehub at MyChos, Kapamilya Online Live streams, at Kumu. May delayed telecast din ito sa Cinema One at Jeepney TV.
“I’m very thankful na hanggang ngayon may trabahong ibinibigay sa akin ‘yung ABS-CBN. Dito na muna ako. Siguro ‘pag walang-wala na talaga, wala na kaming makain pamilya (natawa) at saka ako lilipat. Pero hangga’t mayroon, okey pa naman ako,” katwiran ng dalaga.
Ang #AskAngelica ay matagal na pala niyang ginagawa kapag may promo siya ng pelikula sa Star Cinema.
“Ginagawa namin ito ng Star Cinema kapag may ipino-promote na movie, nag-start ito siguro sa (pelikula) ‘Unmarried Wife’ (2016) yata, then every project na ginagawa ko, may ganito na may Ask Angelica at nag-e-enjoy kami, una isang episode lang then throughout the promo, umabot na ng tatlong episodes bawat promo.
“Masaya kasing gawin, nakatutuwa rin kasing makinig ng iba’t ibang issues/problema ng mga tao na pinagdaraanan then at some point makare-relate ka talaga and ang sarap ding i-share ng mga proseso mo noong na-experience mo ‘yung ganoon klaseng problema at paano mo rin nalagpasan and enjoy ako kasi naaliw ko’ yung sarili ko and the same time feeling ko naman nakatutulong ako sa kanila, napatatawa ko sila, sana kino-consider nila ‘yung mga suggestion ko, mga advice ko na seryoso ha, kasi kilala n’yo rin naman ako mahilig din naman akong manloko ng mga tao, alangan namang ako lang lagi ang niloloko’ di ba? Kailangan ako rin,” pahayag ng aktres.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan