Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bisikleta ni Bailey May, ninakaw ng 3 kalalakihan

SA panahong ito na napakaraming bisikleta dahil sa kulang nga ang transportasyon, marami rin siguro kayong naririnig na mga bisikletang nananakaw. Pero huwag na kayong magtaka, hindi lang naman sa Pilipinas nangyayari ang ganyan.

Natatandaan pa ba ninyo iyong sumali noon sa PBB na si Bailey May? Nagbibisikleta siya noong isang araw bilang bahagi ng kanyang daily exercise. Ginagawa naman niya iyon araw-araw. At siguro dahil nga ganoon, may naka-spot sa bisikleta niyang mamahalin. Nagulat na lang siya nang harangin siya ng tatlong malalaking lalaki at inagaw ang kanyang bisikleta.

Natakot si Bailey May na baka saktan pa siya, kaya ang ginawa niya ay pinabayaan na ang umagaw ng kanyang bisikleta at tumakbo na. At least hindi siya nasaktan at hindi rin nanakaw ang kanyang mamahalin ding cell phone.

Ipinagbigay alam nila iyon sa pulisya, at alam ba ninyong hanggang ngayon ay walang resulta? Ni wala pa ring suspect sa pang-aagaw ng kanyang bisikleta. Hindi kami magtataka kung iyan ay nangyari sa Tondo o sa Divisoria, pero iyan ay nangyari sa Norwich, England na roon naninirahan ngayon si Bailey May.

Isipin ninyo, kahit na roon may magnanakaw pa rin ng bisikleta? Kung sa bagay, hindi mo naman masasabing small time dahil mamahalin talaga ang bike ni Bailey May, pero ang punto riyan ay dumadami na nga ang mga magnanakaw, lalo na sa panahong ito ng pandemya na marami ang walang trabaho, medyo nagugutom na at ang naiisip ay magnakaw.

Ang leksiyon diyan, mag-ingat na rin tayo. Hindi dapat dumaan doon sa mga lugar na delikado, o iyong lugar na kung may mangyayaring ganyan ay walang makakikitang ibang tao. Mas safe pa rin doon sa mga dinaraanan ng ibang tao para kung may gumawa ng kalokohan, may makakakita.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …