HINDI lamang nawalan ng franchise at nabawian ng frequency. Ang kasunod namang iimbestigahan ng Kongreso sa Miyerkoles, ay ang lupang kinatatayuan ng studios ng ABS-CBN. Kasi wala raw naipakitang original title ang ABS-CBN noong tinatanong sila tungkol sa kanilang lupa, at lumalabas sa record na ang lupa nila roon ay 42 square meters lamang dapat, at hindi apat na libong square meters na kinatitirian ng kanilang studio, transmitters, at mga opisina sa ngayon.
Kung sa bagay matagal ng usapan iyan. Bago pa man iyang problema sa franchise may mga ganyan nang kuwento. Mabuti nga siguro buksan na nila iyan para magkaalaman na kung ano ang totoo talaga. Ang hindi nga lang maganda, iyong mga congressman sa halip na gumagawa ng batas, nagiging imbestigador na lang ngayon.
HATAWAN
ni Ed de Leon