Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bata sa Samar patay, 4 kaanak ginagamot (Nalason sa tahong)

BINAWIAN ng buhay ang dalawang bata habang ginagamot ang apat pang miyembro ng kanilang pamilya sa bayan ng Daram, sa lalawigan ng Samar, matapos mabiktima ng paralytic shellfish poisoning (PSP) dahil sa kinaing mga tahong.

Ayon sa mga awtoridad, ulam ng pamilya ang tahong noong Martes, 15 Setyembre, na nakuha sa Barangay Bagacay, sa naturang bayan.

Pagsapit ng 11:00 pm noong Martes, isinugod sa Catbalogan Doctors Hospital ang mga miyembro ng pamilya matapos makaranas ng pamamanhid, sakit sa tiyan, pagsusuka, at hirap sa paghinga.

Namatay ang dalawang batang miyembro ng pamilya na may mga edad tatlo at walong taon.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang insidente.

Ayon sa BFAR, ang Daram Island ay kasama sa kanilang lingguhang monitoring para sa posibleng PSP, ngunit noong nakaraang linggo ay negatibo ang samples na nakuha nila mula sa Barangay Bagacay.

“Matter of fact, seawater samples collected from Barangay Bagacay last September 1, 7 & 14, 2020 are negative of PSP causative organism,” anila.

Muling kumuha ng sample ang BFAR para sa pagsusuri.

Paalala ng ahensiya, positibo pa rin sa PSP organisms ang mga katubigan sa mga sumusunod na lugar: Cancabato Bay sa Tacloban City, Matarinao Bay sa General Mac Arthur, Hernani, Quinapondan, at Salcedo, sa Eastern Samar;  Carigara Bay sa Babatngon, San Miguel, Barugo, at Capoocan sa Leyte Coastal Waters ng Guiuan, Eastern Samar; Irong-Irong Bay sa Catbalogan City, Samar San Pedro Bay sa Basey, Samar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …