“Iyong ginawa ni Markki, kaya ko rin namang gawin iyon, baka mas sobra pa roon,” sabi ng isang young male star na may ambisyon na ring gumawa ng mga BL series, dahil wala ngang nag-aalok sa kanya ng mga wholesome na assignments ngayon.
Eh sa totoo lang, kailangan din naman niya ng pera dahil siya ang inaasahan ng kanyang pamilya. Hindi naman umuubra ngayon ang dati niyang “sideline” dahil maraming takot sa Covid, kahit na ang mga bading. Kaya ngayon, sinasabi niyang payag siyang maghubad sa bading serye, “kahit na ilabas pa ang private parts ko,” sabi pa niya.
Mahahalata mo talaga ang isang tao, basta desperado nang kumita ng pera kahit na sa paanong paraan. Iyon kasing kinita niya noon inubos lang niya sa bisyo eh. (Ed de Leon)