Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella, tahimik sa tunay na dahilan ng pagpunta sa UK

HANGGANG ngayon, nananatiling tahimik si Jannella Salvador tungkol sa mga tsismis na kaya siya nasa UK, kasama ang kanyang boyfriend na si Markus Paterson ay umano roon siya magsisilang ng kanilang anak. Lumabas ang tsismis na iyan dahil din sa isang video na naka-upload sa social media account ni Markus na sinasabi ni Janella na  “I can’t jump”. At pinakakahulugan ng iba na kaya hindi siya makatalon ay dahil buntis siya.

Hanggang ngayon ay hindi sinasagot ni Janella ang tuwirang tanong kung siya ay buntis sa kanyang social media account. Nananatili siyang tahimik. Hindi rin pinansin ng kanyang inang si Jenine Desiderio ang mga ganoong tanong sa kanya, at kung bakit siya pati ang anak na si Russel ay kasama nga ni Janella sa UK.

Ano nga ba ang plano at mukhang bigla ang pagpunta nila sa UK?

May mga informed source na nagsabing talaga namang matagal na ang planong bakasyong iyon ni Janella at kaya lamang mukhang naging biglaan ay dahil sinamantala nga nila iyong nagkaroon ng flight ng eroplano sa parehong destinasyon na gusto nilang puntahan. Alam naman nating ilang buwan ding kanselado ang mga international flight dahil sa lockdown.

Kung hindi man sila makabalik agad, iyon ay dahil pa rin sa limitadong flights dahil sa Covid-19. Kaya posibleng matagalan nga sila sa UK. Maaari lamang masagot ang tanong na iyan kung nakabalik na sila sa Pilipinas. Pero kailan naman iyon?

Basta ang maliwanag lamang sa ngayon, nasa UK nga si Janella, kasama ang kanyang ina at kapatid at nagkita na sila roon ni Markus.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …