Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teejay at Jerome, may pa-topless sa Ben x Jim

NAGSIMULA ng gumiling ang camera ng kauna-unahang BL series ng Regal Entertainment at kauna-unahang pagsasama nina Teejay Marquez at Jerome Ponce, ang Ben x Jim.

Very smooth ang pagsisimula ng kanilang shooting ayon na rin kay Teejay dahil very professional ang lahat at mahuhusay ang kanyang mga  co-actor.

Kuwento ni Teejay, “Very smooth at masaya ‘yung first shooting day namin dahil very professional ang lahat.

“Thankful din ako kasi mahusay na artista ang mga kasama ko, napakasarap katrabaho, bukod sa magaling ‘yung director namin.”

May mga topless scene ba sila?

“’Yan ang dapat abangan ng mga manonood ng ‘Ben x Jim,’ malay mo hindi lang topless ha ha ha, at ‘yun ‘yung dapat pa nilang abangan sa BL series namin ni Jerome.

“Marami kang dapat abangan sa ‘Ben x Jim’ habang tumatakbo ang istorya nito, dahil may mga twist at pasabog bawat episode.”

At para mas maging kampante sila ni Jerome sa isa’t isa ay nagti-Tiktok sila kasama ang ibang cast during break.

Ang Ben x Jim BL series ay hatid ng Regal Entertainment sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer at mapapanood sa huling buwan ng Setyembre o unang linggo ng Oktubre sa Regal Entertainment, Inc.’s Facebook page at YouTube channel.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …