Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janella Salvador, buntis nga ba?

ABA, mukha ngang talagang seryoso na ngayon ang lovelife ni Janella Salvador. Nasa UK na pala siya, kasama ang ermat niyang si Jenine Desiderio at ang kanyang kapatid na si Russel. At maliwanag sa mga video na posted sa kanilang mga social media account na sila ay nasa bahay doon ng kanyang boyfriend na si Markus Patterson.

Noong una nagde-deny pa sila sa kanilang relasyon, dahil gusto nga nilang maging pribado ang kanilang affair, pero dumating na rin sa point na siguro nga sigurado na sila sa isa’t isa kaya inaamin na nila ngayon. Pero may nagsasabing mas marami pa yata silang kailangang aminin.

May isang posted video si Markus na naririnig ang boses ni Janella, na nakakita kasi ng kung anong insekto at sinabi niya, ”I can’t jump. I’m not allowed to jump.” Iyan naman ang nagbigay ng impresyon sa iba na hindi makakatalon si Janella dahil, ”mayroon na siyang iniingatan.” Ibig bang sabihin niyon ay on the family way na si Janella? Iyon ba ang dahilan kung bakit nasa UK na sila?

Pero wala pa namang ganoong statement talaga, hindi natin alam ang tunay na sitwasyon, basta ang masasabi namin, they deserve to be happy. Iyang si Janella, mabait na bata naman iyan. At alam natin kung  paano niya pinaninin­digan at ipinag­lalaban ang kanyang lovelife. Hindi nga ba may panahon pang hindi sila magkasundong mag-ina dahil ayaw ni Jenine sa boyfriend niya noon? Eh noong masaktan na siya physically, tapos ibinaba pa siya sa sasakyan at saka iniwan, ‘di natauhan din siya. At sino pa nga ba ang unang dadamay sa kanya kundi ang kanya ring ina.

Ngayon, mukhang walang objections si Jenine kay Marcus. Kung hindi ba naman sasama pa siya sa UK? Mukhang ok na nga sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …