Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yasmien, ‘di muna mayayakap at mahahalikan ang asawa’t anak

FEELING balikbayan si Yasmien Kurdi nang bumalik sa pamilya matapos ang apat na araw na lock-in tapings sa bagong Kapuso series na I Can See You: The Promise sa Cavinti, Laguna.

Ibihagi si Yasmien ang isang short video sa kanyang Instagram, ang surprise ng asawang si Rey Soldevilla at anak na si Ayesha Zara. Binigyan pa siya ng bulaklak at inayos ang kanyang kuwarto kung saan siya magse-self quarantine.

 

“Sobrang sweet naman. Nilinis pa nila ‘yung room at inayos kung saan ako magse-self-quarantine for a few days,” bahagi ng caption ni Yas.

 

Sakripisyo rin muna siya sa pagyakap, paghalik, at chikahan sa asawa’t anak. Video call lang muna sila kahit nasa kabilang kuwarto lang siya.

 

“Kaunting tiis lang para sure talaga na safe na. Salamt talaga! Mahal ko kayo,” saad ng Kapuso actress.

 

Isa ang episode ni Yasmien sa month-long drama anthology ng network this month na magsisimula sa September 21. Kasama niya sa kuwento sina Paolo Contis, Andrea Torres, at Benjamin Alves.

 

Ang buwena-manong handog ay ang team up nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith na I Can See You: Love on the Balcony.

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …