Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arkin, pasok bilang most handsome at hottest Pinoy BL actor

FLATTERED ang mahusay na actor na si Arkin Del Rosario dahil dalawang category sa survey ng isang sikat na Youtuber ang pasok siya.

Ito ay sa category na Most Handsome Pinoy BL Actors (Leading Man Category) na kasama rin sina Alex Diaz, Inaki Torres, Tony Labrusca, at Kokoy De Santos; at ang Hottest Pinoy BL Actors na ka-join din  sina Alex, Tony, at JC Alcantara na kasabay niyang inilunsad sa Star Magic Circle Batch 2019 ng ABS CBN.

Ayon kay Arkin, ”Nakatataba po ng puso na mapasama ka sa dalawang category sa survey ng isang sikat na Youtuber na mostly ang nakapasok ay produkto ng Star Magic Circle like sina Alex, Tony, at JC.

“Salamat talaga kasi napansin nila ‘yung ako, sana hindi lang looks ang mapansin sa amin dito sa BL series namin na ‘Boyband Love’ kundi  pati ‘yung acting namin. Maganda ang istorya at pagkakagawa  nito at may aral na makukuha rito.”

Excited na nga si Arkin sa pagpapalabas ng Boyband Love na kanyang pinagbibidahan kasama si Gus Villa.

Ginagampanan ni Arkin sa BL series ang character ni Aiden na miyembro ng sikat na boyband na kinabibilangan din ni Gus bilang si Danny at ang mga modelong sina Job Piamonte  bilang si Jamie at Louie Gabarda bilang Rico.

Sa bandang ito mabubuo ang friendship nila ni Gus na nauwi sa pagmamahalan na sa umpisa ay hindi niya kasundo.

“Sobrang excited na ako na maipalabas ‘yung BL series namin kasi pinaghirapan talaga namin ito, hindi lang ito basta-basta kikiligin ka, dahil dagdag pa rito ang mga aral sa buhay na matututuhan.”

Bukod sa goodlooks ni Arkin, dapat ding abangan ang husay nitong umarte na napatunayan na sa mga nauna niyang proyekto at sa mga natutuhan niya sa teatro.

Ang Boyband Love ay mula sa panulat ni Lawrence Nicodemus at idinirehe ni Greg Colasito, hatid ng Starcast Entertainment Philippines at mapanood sa Youtube channel ng Starcast Entertainment ngayong September.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …