Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Perang hinahanap ni John, ‘di nawawala

SA muling panayam ni Raffy Tulfo kina John RegalaTeddy Imperial, at Chuckie Dreyfuss sa programang Raffy Tulfo in Action na nasa YouTube channel na in-upload noong Agosto 29 ay inamin ng dating aktor na may pumasok na sa account niya sa BDO na P115, 151.20.

Ito ang halaga sa natirang donasyon na hinahanap ni John sa grupo nina Chuckie, Nadia Montenegro, at Aster Amoyo na nagtulong para makalikom ng salapi para may pambayad sa ospital, pang-grocery at iba pang pangangailangan ng una.

Nabanggit kasi ni John na ni singko ay wala siyang natanggap sa mga sinasabing donasyon sa kanya na ipinagpipilitan naman nina Tita Aster, Chuckie, at Nadia na ibinigay nilang lahat sa aktor.

At para matapos na ay ipinadala ni Chuckie kay Raffy ang account transfer dated August 10, 2020 na naka-deposit sa account ni John ang pera plus mga listahan ng mga nagbigay ng donasyon.

“Kahapon po, sir Raffy nagpa-update po ako, pumasok na po,” sabi ni John.

Pero ang listahan ng mga taong nagbigay ng donasyon ay ipinagmatigasan ni John na wala siyang natatanggap na kopya.

Sabi nga ni Raffy ay dito nagkaroon ng miscommunication pero siya mismo ay pinadalhan ng kopya ni Chuckie.

“’Yun nga po ang hinahanap ko sir Raffy na kahit thank you card man lang ay papadalhan ko ang mga taong ito,” mabagal na sabi ng dating aktor.

Dagdag pa, ”wala nga pong nagpadala at wala ring nakipag-coordinate.” Sagot ng dating aktor sa tanong ni Raffy kung wala bang nagbigay sa kanya ng update kung sino ang mga nagbigay.

“Kasi po karapatan ninyong malaman ‘yun sir John dahil iyon po ay hininging donasyon para sa inyo,” sabi pa ni Raffy.

Binalingan naman ng radio host si Chuckie at sinabing natanggap na ang mga pinadalang dokumento pero ipinagdiinan nitong sinasabihan nila si John kung sino-sino ang mga nagbigay at ipinagbukas nga siya ng sarili nitong account.

“Napakadali pong magsabi ni John na hindi niya alam, napakadali po niyang umiling at nalilimutan niya. ‘Yun pong mga dokumento mayroon po siyang kopya at dahil nagre-recover pa siya, lahat ng documents ay ibinigay namin kay Teddy (assistant). Ipinadala po namin thru grab at nag-message po si Teddy na natanggap niya at may screen (photo),” diin ni Chuckie.

Pero sa kabila niyon ay sinasabi ni John na wala siyang natanggap na listahan ng mga nagbigay. Sabi ni Chuckie, pinaiikot lang sila ng dating aktor na sila na nga ang tumulong ay sila pa ang lumabas na masama.

Fast forward ay kinausap naman ni Raffy si Teddy na kasalukuyang nasa Cavite at umaming iniwan na nga niya si John dahil hindi na niya kaya pa ang nakikita niyang pag-i-inject ng pain killer na ang paniwala niya ay isa itong droga.

Ayon kay John, ”hindi ko na po itatago ‘yan sir Raffy kasi alam naman ng lahat na ako ay may gout. Gumagamit po ako n’yan tuwing sumusumpong po (ang gout) pero tatlong ampules lang po ang reseta sa akin ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency.”

Ipinakita ni John ang resetang galing sa doktor at sa tanong kung bakit napasama ang PDEA sa reseta, ”kasi kailangan daw po dumaan ng PDEA at license ng doctor bago makapag-issue nito ng gamot na nobaine.”

Sa madaling salita, ayaw madamay ni Teddy sa ginagawa ni John na nagsasaksak ng painkiller sa katawan na sa paniniwala nga niya ay droga. Higit sa lahat, hindi na niya matiis ang ugali ng taong nag-alaga sa kanya ng 12 years.

Base naman sa caretaker ni John na si Bem ay pinakiusapan niyang huwag umalis si Teddy para may bantay ang una dahil nga uwian siya pero matigas ang tugon nitong aalis na siya.

Anyway, sa bandang huli, nagpasalamat si John kina Chuckie at tinatanaw niyang malaking utang na loob lahat ng naitulong nila kasama sina Nadia at Tita Aster.

“Sana Chuckie, magkita-kita pa tayo at kalimutan na natin lahat ang mga isyung ito,” say ni John.

Nanawagan din si Chuckie sa mga basher na sana bago sila magsalita ng kung ano-ano ay i-check munang mabuti at anuman ang mga nangyari ay pinatatawad na sila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …