Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ukraine giniba ni Wesley So sa Online Chess Olympiad

BUMAWI si Pinoy GM Wesley So sa masamang laro sa group stages nang bumuwelta ito sa kanyang dalawang laro sa  nakabibilib na pagtatapos nang ilampaso ng United States 2-0 ang Ukraine para lumarga sa semifinals ng FIDE Online Chess Olympiad nung Biyernes ng gabi.

Nilampaso ni 26-year-old So si dating world challenger Vassily Ivanchuk sa French Defense sa loob lamang ng 27 moves at giniba rin niya si Anton Korobov sa 54 moves ng kanilang Queen’s Pawn duel para isulong ang Americans na ilampaso ang kanilang dalawang matches, 4,5-1.5 at 4-2.

Kontra Ivanchuk, na kinapos lang para maging world champion 18 years ago, agresibong naglaro si So kontra sa Ukrainian’s misplayed defense at umangat na lalamang siya ng rook o mapupuwersa ang mate.   Nag-resigned si Ivanchuk.

Naglaro ng black kontra Korobov, na nagtataglay ng pinakamataas na rapid rating na 2794 sa manlalaro ng Ukrain at USA lagpas sa rating ni So na 2741.   Nakakuha agad si Minnetonka, Minnesota-based World No. 8 ng inisyatibo sa kaagahan ng laro nang makasilo ng pawns at sa kalaunan ay ang panalo.

Sasagupain ng US ang higher-rated Russia sa semis sa Linggo at ang iba pang pairing ay sa pagitan ng India at Poland, ang parehong team na nagpalasap kay So ng unang talo sa torneyo sa Pool D ng Division 1 stage.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …