MAKULAY at mas malinis na ang Lagusnilad underpass sa tapat ng Manila City Hall sa pormal nitong pagbubukas kahapon, 24 Agosto.
Mismong si Mayor Fracisco “Isko Moreno” Domagoso kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang nanguna sa ribbon cutting.
Punong-puno ng bagong disenyo ang underpass mula sa ideya ng mga arkitekto ng University of Santo Tomas (UST).
Ang mga makulay na murals naman namula sa Gerilya na iginuhit ni Marianne Rios, Jano Gonzales at Ianna Engano.
Habang ang mga signages na makikita sa Lagusnilad underpass ay mula kina Raven Angel Rivota ng Far Eastern University (FEU), Edrian Garcia, at John Leyson.
Dumalo sa pagdiriwang ang mga kinatawan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na sina G. Ronn Fernando at Egai Fernandez.
Kasama rin sa pagdiriwang si NPDC Director Cecille Lorenzana Romero at Atty. Guiller Asido ng Intramuros Administration. (VV)