Monday , December 23 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

20,000 Bulakeño dapat isailalim sa contact tracing — DOH

KINAKAILANGANG isailalim sa contact tracing ang nasa 20,000 indibidwal mula sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Health Secreatry Francisco Duque III, ito ay matapos maka­pagtala ng 2,018 kompir­madong kaso ng COVID-19 ang lalawigan, na mayroong 788 recoveries at 58 fatalities.

Matatandaan, ilang opisyal ng Inter-Agency Task Force at National Task Force on CoVid-19 ang bumisita sa Bulacan matapos tumaas ang virus cases sa lalwigan.

Sa ngayon ay sinasabing nasa warning zone na ang sitwasyon sa lalawigan dahil sa halos mapuno na ang CoVid-19 beds at isolation rooms dito.

Dagdag ni Duque, medyo malaki ang kakul­angan sa quarantine facility at bed capacity ng Bulacan kaya nagdesisyon silang magtungo sa lalawigan upang maka­pagbigay ng suhestiyon.

Pahayag ng kalihim, pumayag ang DepEd na magamit ang kanilang public elementary school buildings upang punan ang pangangailangan ng probinsiya pagdating sa karagdagang isolation at quarantine facilities.

Samantala, sinabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando, kahit isailalim sa general community quarantine (GCQ) ang lalawigan, nararapat pa rin panatilihin ang estriktong pagpapatupad ng health protocols.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *