Tuesday , April 1 2025

Ilang anchors ng dzMM, tatawid ng dzRH at dzBB

DAHIL maliwanag na ang operasyon ng ABS-CBN sa ngayon na sa internet na lang, at sa internet naman ay napakababa ng advertising rates na maaari nilang masingil, medyo sakal maging ang suweldo ng mga naiwan nilang empleado at talent. Kaya naman bukas sa isip nilang maaaring umalis ang mga iyon at lumipat kung may mas magandang offer.

Iyong mga artista, hayagan na ang lipatan. Iyong mga anchor person nila sa radyo, marami ring usapan ng lipatan. Nabalitang lilipat sa dzRH sina Anthony Taberna at Gerry Baja, kahit na inalok din sila ng Eagle Broadcasting na pag-aari ng Iglesia ni Cristo na kanila ring kinabibilangan. May sinasabi ring maging sina Kabayang Noli de Castro at Ted Failon ay lilipat sa dzRH. Si Vic de Leon Lima naman  ay mukhang tatalon sa dzBB.

Kung mangyayari nga ang lipatan, tiyak na may madi-displace namang mga talent sa kanilang lilipatan, ano naman ang mangyayari sa mga displaced workers na iyon?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Alfred Vargas

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya …

Automation Election Law ipinatitigil sa SC

IPINATITIGIL sa Korte Suprema nina social media broadcaster at anti-fake news advocates Atty. Mark Kristopher …

Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez inutangan daw ng P1-M ni Mark Herras

MA at PAni Rommel Placente IBINUNYAG ng manager ni Jojo Mendrez na  si David Bhowie na umano’y may nahiram …

Shaina Magdayao Gerald Anderson Sins of the Father

Shaina ‘napigil’ ni Gerald pa-Amerika

MA at PAni Rommel Placente PAPUNTA na sanang Amerika si Shaina Magdayao pero biglang nagbago ang desisyon …

Legaspi family Zoren Carmina Mavy Cassy

Legaspi family bibida sa isang serye 

RATED Rni Rommel Gonzales MAGSASAMA-SAMA sa unang pagkakataon sa iisang serye ang pamilya nina Carmina Villarroel, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *