Thursday , February 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malate chief cop patay sa atake (2 MPD top official positibo sa CoVid-19)

MALUNGKOT na kinompirma ni Manila Police District (MPD) director BGen. Rolando Miranda na namatay ang isa sa kanyang police station commander matapos isugod sa Manila Medical Center nang makaramdam ng paninikip ng dibdib kamakalawa ng gabi sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng pang-unang lunas si Lt. Col. Michael Garcia, station commander ng MPD Malate Station (PS-9) dakong 9:46 pm sa Manila Med.

Ayona kay P/BGen. Miranda, dakong 7:00 pm nang isugod ng kanyang mga tauhan si Garcia sa naturang ospital matapos uminda ng pagsikip ng dibdib at nahirapan sa paghinga.

Ayon sa ulat, cardiogenic shock secondary to acute coronary syndrome myocardial infarction ang sanhi ng pagkamatay ng opisyal.

Kaugnay nito, sinabi ng asawa ni Garcia na ang kanyang mister ay matagal nang nagrereklamo ng pananakit ng dibdib na posibleng dulot ng heart enlargement.

Una nang nagnegatibo sa CoVid-19 test si Garcia.

Si Garcia ay kabilang sa PNPA Class 99.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni  Miranda sa lahat ng MPD personnel na magsagawa ng contact tracing sa mga nagkaroon ng close contact kay Garcia  o makipag-ugnayan sa DHS para mai-monitor ang kanilang kalagayan.

Nabatid na dalawa pang mataas na opisyal ng MPD ang nagpositibo sa CoVid-19 at dinala sa isolation facility sa NCRPO. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Lenio Robredo People Power sa QC M4GG

Leni Robredo bida sa People Power 40 Kick-Off Concert

INIIMBITAHAN ni dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo ang publiko na …

Pag-IBIG BBM

Pag-IBIG backs precast housing with Megawide, targets over 7,000 units in two years

Pag-IBIG Fund highlighted the role of public-private partnerships and modern construction technology in accelerating socialized …

BoC Bureau of Customs

40 importers, brokers, kinasuhan ng Customs

UMABOT sa kabuuang 40 importers at licensed customs brokers ang sinampahan ng kaso ng Bureau …

Diane Marie Mollenido John Ysmael

3 suspek sa Mollenido slay sinampahan ng kasong Murder

DALAWANG bilang ng kasong murder ang inihain sa Quezon City Prosecutors’ Office laban sa tatlong …

CBCP

Sermon ng CBCP:
POLITIKO MAG-AYUNO, UMIWAS SA ‘PANGUNGURAKOT’

HINIKAYAT ng isang opisyal ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga …