Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, tumulong na nga napagbintangan pang pabida

NAGKAROON ng isyu ang pagpasok ni Willie Revillame sa isa sa nakaraang press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-donate rin siya ng P5-M para sa mga driver at iba pang naapektuhan ng pandemya.

 

Sa episode ng Tutok To Win last Monday, hindi nagustuhan ni Willie ang nasulat sa isang online site na na-high jack niya ang press briefing at nagpabida nang mag-donate ng malaking halaga.

 

Nagmagandang-loob si Willie na ipagamit ang lugar niya dahil may empleado sa government station na apektado ng Covid-19. Napanood namin ang briefing na ‘yon nang tawagin siya ni Spox Roque para pasalamatan bago matapos ang telecast.

 

“Dala-dala ko nga ‘yung upuan ko nang tawagin ako. Ayoko ngang pumasok dahil hindi naman ako politiko.

 

“Pero hindi ako nagpapabida nang magbigay ako ng pera. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung kanino ibibigay. Kaya kay Sec. Roque ko ipinadaan ang tulong.

 

“Hindi lang isang beses itong ginawa ko. Next month, magbibigay uli ako,” bahagi ng paliwanag ni Willie.

 

Bukod sa mga driver, nagpahatid ng tulong ang TV host sa pamilya ng mga OFW na namatay dahil sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …