Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bibida sa BL series, ikinagulat ang pakikipaghalikan sa kapwa lalaki

USONG-USO ngayon ang mga BL series na unang pumatok sa Thailand at dito sa atin, nagsunod-sunod na rin. Ang pinakabago ay ang BoyBand Love na pagbibidahan ng singer/actor/model na si Gus Villa na gaganap bilang si Daniel “Danny” Lucas at ng singer/actor na si Arkin Del Rosario na gaganap naman bilang si Aiden Mathew Gutierrez.

Sa August 19 ang first taping day ng Boyband Love na hatid ng Starcast Entertainment Philippines.

Ayon kay Gus, “Ito ang first na gagawa ako ng ganitong klaseng proyekto kaya naman na-challenge ako kasi kakaiba ito sa mga proyektong ginagagawa ko.

“Noong storycon namin at sinabing may kissing scene kami rito ni Arkin, medyo nagulat ako kasi first time ko magkakaroon ng kissing scene sa kapwa ko lalaki, pero noong sinabi sa akin na kailangan ‘yun sa eksena napa–oo na ako, kasi trabaho lang naman ‘yung gagawin naming.

 

“Bale pareho kaming member  ng Boyband dito na hindi magkasundo at parang aso’t pusa , pero later on magiging close kami and ‘yun ang dapat nilang abangan ha ha ha.

“Basta maganda ‘yung istorya niyong ‘Boyband Love,’ may mga lesson na matututuhan ‘yung mga manonood, kaya kailangan nilang panoorin at tutukan.”

Makakasama nina Gus at Arkin sa BL Series sina Brendamage, Louise Gragera, Job Piamonte Abogado, at Regine Fernando.

Ang Boyband Love ay mula sa panulat ni Lawrence Nicodemus at idinirehe ni Greg Colasito. Mapanood ito sa Youtube channel ng Starcast Entertainment sa September 8, 2020.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …