Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine natakot, emotional sa pag-iisa

ISA sa natutuhan ni Nadine Lustre habang naka-lockdown dulot ng Covid-19 pandemic ay ang paraan kung paano labanan ang depression at anxiety o ang mental at physical stress na maaaring maramdaman habang nakakulong ng nag-iisa sa bahay. At dito napatunayan niya ang power ng bago niyang mantra sa buhay, ang “You are energy.”

Ayon sa aktres sa interview ng ABS-CBN“Yes, I absorbed that, ‘you are energy’. Natutuhan ko ‘yan noong ECQ. Lahat tayo we have to be careful what we wish for. That’s the law of attraction. Sobrang naging negative kasi ako because of everything happening.

“Hindi ko rin maide-deny kasi ang daming nangyari, nakakatakot! I was very emotional. Sabi ko, the world is going to end. For a week ganoon ako, napraning talaga ako!

 

“So, binago ko point of view and mindset ko. It’s true, we have to be careful with the energy and thoughts we put out. What we give out is what we get in return.”

Dagdag pa nito, “I picked up new hobbies and do things I didn’t think I can do before. I did meditation, yoga and I attended online biking and spinning classes, one hour sessions.”

Bukod dito, natuto ring magluto si Nadine ng iba’t ibang putahe at may mga bagong kanta rin siyang na-compose.

“Ang hirap talaga, kapit-kapit lang tayo. It’s disheartening to see companies closing and people I know nabawas ng kompanya.

“In anyway I want to help and encourage them to do something else at maghanap ng ibang pagkakakitaan.

“I am also lucky to have friends and family checking on me. I also have my brother, an assistant and my dogs staying with me! I have learned to count my blessings,” pagtatapos na pahayag ni Nadine.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …