NGAYON sinasabi naming unfair naman sila kay Vice Ganda. Tingnan ninyo ang sitwasyon, hindi rin alam ni Vice Ganda kung ano pa ang kasunod na mangyayari sa kanya nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN. Tutal napapanood na lang naman sila sa internet at cable, at sinabihan naman sila na malaya na sila dahil bale wala na ang kanilang kontrata sa network na sa ngayon ay non-existent ang status. Gumawa si Vice ng sarili niyang internet Channel.
Ano ang masama sa ginawa ni Vice? Bakit sasabihing ginawa lang gatasan ni Vice ang ABS-CBN? Hindi ba pinagkakitaan din naman ng ABS-CBN si Vice? Minsan, wala na sa ayos iyang kanilang ”talak brigade.” Pati kakampi tinatalakan na eh.
HATAWAN
ni Ed de Leon