Sunday , November 24 2024

OFW: Homeless in HK: The Mildred Perez Story, tampok sa Magpakailanman

LAHAT ay kayang tiisin ng isang ina mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit paano kung sa isang pagkakataon ay makapulot siya ng malaking halaga ng pera sa basura? Isasauli niya ba ito o ipadadala na lang ang pera sa kanyang pamilya?

Ngayong Sabado (July 25), tunghayan ang kuwento at kabayanihan ni Mildred Perez, isang OFW sa Hongkong na nakapulot ng malaking halaga ng pera sa basura.

Itinatampok sina Janice De Belen bilang Mildred, Cris Villanueva bilang Ed, Caprice Cayetano bilang Norabelle, MJ Jacobo bilang Juana, Rosie Talimongan bilang Lorna, at Jordan Hong bilang Pastor.

Tubong Nueva Vizcaya si Mildred. Mahirap ang buhay nila roon kaya kahit masakit para sa kanya, mas pinili niyang mangibang-bansa para guminhawa ang kanyang pamilya.

Naging sagana nga sila sa pera at sa pagkain, pero lumayo naman ang loob ng mga anak niya sa kanya. Sinuyo naman ni Mildred ang mga bata para magkaayos sila. Ngunit biglang nagkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho siyang muli sa ibang bansa. Tinanggap ito ni Mildred dahil gusto niyang mapagtapos ng pag-aaral ang mga bata.

Maayos na sana ang lahat dahil regular siyang nakakapagpadala ng pera. Subalit isang araw, bigla siyang minolestiya ng kanyang amo. Agad siyang nagsampa ng kaso at dahil dito, natanggal siya sa trabaho. Para mabuhay sa Hongkong, naging basurera si Mildred. Ayaw din niyang umuwi sa Pilipinas dahil sa hiya at awa sa sarili. Ang kinikita niya sa pagbabasura ay pinadadala niya sa kanyang mag-aama. Isinikreto ni Mildred sa kanyang asawa at anak kung ano na ang bago niyang trabaho.

Minsan, nakapulot si Mildred ng envelope sa basura na naglalaman ng cash at checks. Napakalaking pera nito at tiyak na makatutulong sa kanyang pamilya.

Ano nga ba ang gagawin ni Mildred sa perang ito? Isasauli niya ba ito sa may-ari? May maganda pa nga kayang kapalaran na naghihintay kay Mildred at sa kanyang pamilya?

Sa ilalim ng masusing direksiyon ni Gil Tejada Jr., huwag palampasin ang OFW: Homeless In Hong Kong (#MPKHomelessInHK) episode sa Magpakailanman ngayong Sabado sa GMA.

 

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *