Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kat de Castro, binanatan si Agot

KAIBIGAN din ni Arnell Ignacio ang bagong talagang Board Official ng PTV 4 bilang Network General Manager at ChiefOperating Officer na anak ni Kabayang Noli de Castro, si Kat Sinsuat de Castro.

 

At nagbigay din ito ng pahayag o komento sa hugot ni Agot Isidro sa Hermes tandem bikes ng mga Pacquiao.

 

“I personally know the Pacquiaos. 

 

“Senator Manny is a very close family friend. One of the things I will never forget was when he told me this: Ang pera ay hindi mo madadala sa libingan. Kaya kung pwede kang tumulong sa kapwa mo, tumulong ka ng buong buo. 

 

“The Pacquiaos have helped so many people. If they want to post branded stuff, then why not? Wala naman sigurong masama. They can afford it. 

 

“I’ve spent some time with them in Canada. Kung ano kinakain ng pamilya nila, yun din kakainin ng mga kasamahan nila. Kung saan ang hotel nila, dun din ang lahat. Kung saan sila mamamasyal, lahat kasama. 

 

“So there.”

 

Sa lahat ng ito, si Agot na mismo ang dapat na nagpapaliwanag sa ‘di matantong pagka-inis niya sa mga post ni Jinkee at pagse-share ng kaalwanan ng buhay nilang mag-anak.

 

So far, sa mga komentong nabasa ko, mas marami ang positibo lang ang ibininigay na opinyon sa mga Pacquiao.

 

Gaya sa magkaibigan ding Arnell at Kat, pagtataka ang naiisip nila yaman at wala naman silang makitang masama sa naturang postings.

 

Bakit nga kaya, Agot?

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …