Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnell, desmayado kay Agot—Sana andoon pa rin ang mabait na Agot

MATAPOS ANG one-liner ni Gladys Guevarra para sa aktres na si Agot Isidro, si former OWWA Deputy Arnell Ignacio naman ang may hugot para sa itinuturing din niyang kaibigang si Agot.

 

Na napikon sa nai-post ni Jinkee Pacquaio sa His and Hers Hermes Bike nilang mag-asawa.

 

Say ni Arnell, “In all honestly nalulungkot ako basta nagpopost si Agot nang ganito. At nasasabihan tuloy siya nang masasakit. 

 

“She is one of the nicest people i have worked with. Deep inside gusto ko malaman saan nanggagaling yung poot niya..

 

“Sana hindi na lang ganun. This makes me really sad. Hindi ko maintindihan kung ano nangyari. 

 

“Natatandaan ko ‘pag kakain kami noon basta may ketchup masaya na yan. Tapos magte-threadmill agad pag sobra kinain..

 

“Sa taping masaya kasama..minsan lang nairita nung nagka allergy siya dun sa pinasuot sa kanyang wedding gown….. sana nandoon pa rin yung mabait na agot na natatandaan ko.”

 

Sa kabila ng pandemya, usapang prangkisa at marami pang isyu sa buhay, umariba pa rin kay Arnell ang pagiging business-minded.

 

Sa pakikipagtulungan sa mister ni Ai Ai delas Alas na si Gerard Sibayan, prente lang itong kumikita sa kanyang Siomai King.

 

At ngayon naman, nagbukas ang kanyang Sabon Depot na magbebenta  siya ng mas murang sabon with Mellany Zembrano and company.

 

Madaldal kung sa usapang talakayan hahamunin si Arnell. Pero ang paniwala niya, basta makabuluhang usapan, game siya. Kung walang wawa, magne-negosyo na lang siya.

 

Isang ayaw na ayaw ni Arnell sa tao eh, ‘yung may ugaling paawa effect. Hindi niya talaga papansinin.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …