MASAYA PERO may halong lungkot na ibinalita sa akin ni Sunshine Cruz na sa lalong madaling panahon ay babalik na sila set ng Love Thy Woman at gigiling na muli ang camera.
Hindi nga lang pwedeng sabihin kung kailan ito at saan. Pero nagsimula na sila ng kanyang mga co-star na gawin ang mga protocol na kailangang sundin.
“Naka-quarantine ako now, for two weeks. Lock in kami for one month para masigurong okay kaming lahat na sasalang sa trabaho. We had lots of Zoom meetings for the rules and the preparations. At ni-remind kami when to start our quarantine.
“Kaya once na nasa set na kami, iku-uarantine pa rin kami pagdating namin sa set where we will stay for a month, kung saan kami titira. And isa-isa kami ite-test to see kung negative kami sa Covid-19.
“Tapos may safety and health protocols from the government that we are required to follow.”
Gaano kahirap. Na danasin na ang sinasabing New Normal lalo’t pagdating sa trabaho.
“Ready naman na. Siyempre single mom kaya kailangan kong magtrabaho. Nakausap ko na rin ang kids at nakapagbilin na rin ako sa mom ko to visit my kids often if not stay with them and also ‘yung mga kasambahay. Kaya bahay lang sila until I finish my work.
“My three girls, sinasamahan ng aking Mama and our kasambahay. Si Macky (Mathay)? Busy siya in San Juan (as a Councilor) at katulong ni mayor Francis Zamora. His kids are with their Mom mula nang magka-GCQ.
“Nasa mama nila ngayong GCQ. Si Macky very busy naman sa San Juan. Frontliner siya kasi plus Executive Assistant ni Mayor Francis kaya busy but he enjoys what he’s doing. Gusto n’ya ang ganyan kasi.”
Sumasambulat pa rin ang galit ni Sunshine sa mga patuloy na nagba-bash sa kanya dahil sa Chuckie Dreyfus issue na nadadamay pati na ang kanyang mga anak.
“Ako na nga ang nagamit, ako pa mali?! Hay. Hehe. Bahala na si Lord. Ako pa palalabasing sinungaling. Sabihin ba naman sa anak kong man of dignity siya at sinungaling ako. ‘Di ko kilala ang mga nagko-komento na ‘yan. Manager niya ‘ata. Nasaktan ako for my daughter. Naaapektuhan na sila kasi grabe, ginawa akong sinungaling ng mga ‘yan. Ayoko na ngang patulan. ‘Am thankful sa mga nagtatanggol at sumusuporta sa akin.”
HARD TALK!
ni Pilar Mateo