AMINADO si Junar Labrador na malaki ang naging epekto ng Covid19 sa mundo ng showbiz at isa siya sa nasagasaan nito. “Well, malaki ang naging epekto sa industriya ng showbiz, unang-una sa mga nagtatrabaho sa harap at likod ng camera na ang kanilang ikinabubuhay ay ang paggawa ng mga pelikula at mga teleserye. Ang mga taong ‘yun lang ang naging hanapbuhay nila.
“Sa part ko, masasabi kong masuwerte rin ako sapagkat mayroon ako ng propesyon na sinasandalan at ikinabubuhay bukod sa larangan ng showbiz, kaya’t ang aking ginagawa sa kasalukuyan ay suportahan ang aking mga kaibigan sa showbiz na gumagawa ng paraan para kahit paano ay matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan,” esplika ni Junar.
Aniya, ”As of now, fortunately I still have my regular job as a Project Manager/Architect for Suntrust Properties Inc., and if my time permits, I do online auditions and VTRs for TV commercials – na ‘yun ang nagiging practice ngayon sa mga auditions, mga online VTRs.”
Nagkuwento rin siya ng mga project na naudlot muna dahil sa pandemic. “Right now may naka-pending ako na isang indie movie under Little Brown Production ni Danny “Brownie” Pansalin. Nakapag-shoot na kami ng ilang days kaso noong nagkaroon ng Covid19 crisis sa atin, na-stop muna siya and pending clearances para sa pagre-resume ng mga tapings at shootings, kaya waiting pa muna kami para mag-proceed na uli.
“It’s an action/drama movie entitled Bilang Ganti… mayroon din akong naka-line up na two advocacy films coming from Sparkling Stars Production, waiting lang for the arrival of direk Johnny Mateo from abroad anytime soon. Siyempre mag- undergo pa siya ng quarantine and everything before we proceed with the pre- production meeting and eventually mag-shoot na. These movies are tentatively titled Minsan May Isang Guro at Nasaan Ka Inay, hopefully everything will be okay na in the coming days para matuloy na po ang stand by na projects.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio