Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Basher, nakatikim ng taray ni Geneva — Tingin mo ba desisyon ko ‘yun? I loved my nose

PALAKPAK ako nang mabasa ko ang sagot o reaksiyon ng singer na si Geneva Cruz sa maituturing na isang basher.

May nasulat kasi tungkol sa magandang kulay ng balat ni Geneva. Na lubos naman niyang pinasalamatan.

Pero alam niyo naman sa Facebook at iba pang social media accounts. Kaunting kibot, may nasasabi na agad ang tao.

Matapos ang magagandang salita para sa kanya sa mga komento, may isang James de Silva ang humrit ng, “Pero nagparetoke hahaha.”

Mabilis naman ang sagot ni Geneva sa kanya, “Tingin mo ba desisyon ko ‘yun. I was only 16. My movie producer thought my nose was too big for the movie screen. I loved my nose-I made it big even with that nose, I had many suitors with that nose…I thought it was cute. I couldn’t understand why they didn’t like it, i thought something was wrong with me, because I liked it. No regrets because I can’t take it back. Just so you know. James de Silva.”

Ayan sumikat tuloy si basher.

Pero, hindi ba? Papalakpakan mo si Geneva for telling the truth na tila ba sampal sa gusto pa sana siyang intrigahin.

Dagdag pa ng singer, “When people you do not personally know fight for you because they don’t only see you for your physical appearance… that in itself is something to be grateful for. 🏼 

“It’s about time you all know that truth… i loved my nose, it wasn’t my decision to have it fixed because I didn’t think it looked awful. I was already a beautiful and proud Filipina and I still am; no one can take that away from me.” #countingmyblessings #gratitude

Sana, marami pang gaya niya. Matapang. Para sa katotohanan. At hindi papayag na maigupo siya ng isa lang pang-iintriga o pambubuska.

Or sa harsher word–bullying!

Teka, matangos ba ang ilong ng nanlait?

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …