Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga teleserye sa Dos, balik-ere na

ANG top-rating series ng ABS -CBN 2 na FPJ’s Ang Probinsiyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin ay magbabalik na sa ere.

Muli itong mapapanood sa telebisyon. Pero dahil pansamantala pang nakasara ang ABS CBN 2, kaya mapapanood muna ito sa Kapamilya channel na available sa SKY, Cablelink, G Sat, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable Television Association (PCTA) sa buong bansa, simula sa June 13.

Ang una munang mapapanood sa Pambansang Teleserye ay ang ten-episode recap nito, bago i-release ang bagong episodes nito.

Bukod sa FPJ’s Ang Probinsyano, mapapanood ding muli sa Kapamilya channel ang seryeng A Soldier’s Heart sa weeknights na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Elmo Magalona, Yves Flores, Nash AguasJerome Ponce,  at Carlo Aquino; at Love Thy Woman na bida si Kim Chiu, sa weekdays.

Mapapanood din ang noontime variety shows na It’s Showtime at  Natin ‘ To sa kanilang live presentation.

Ang Magandang Buhay nina momshies Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, at Karla Estrada at ang new season ng The Voice Teens na ang mga coach ay sina Apl.de.ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga ay mapapanood din sa weekends.

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …