Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gina Pareño, nabago ang buhay dahil sa Tiktok

HINDI naman akalain ng award-winning actress na si Ms. Gina Pareño na mapapabilang siya sa mga TikTokers sa balat ng internet.

Nakatsika ko naman si Mama Gina after na muling ipalabas ang episode nila ni Jay Manalo sa Magpakailanman. Ang istoryang ibinahagi ay isang May-December affair na mahigit 40 taon ang agwat ng babae sa lalaki.

Sa Ang Probinsyano naman, nakilala ang karakter ni Mama Gina bilang si Lola Gets.

“Nakatuwaan lang ng apo ko, Mahal. Sinubukan lang namin ‘yang Tiktok na ‘yan. aba, eh masaya pala.

“Riyan ko nakita na miss na miss ko talaga ang umarte. Kasi ang apo kong si Josh ang nagdidirehe sa akin. Siya ang humahanap ng mga props. Pati ang tatlong aso namin tumatanghod sa pinaggagagawa ko. Kaya they can follow me sa YouTube @yourlolagets.

“Maraming nabuksan sa atin itong pandemyang ito. Sa anak kong si Racquel, akalain mo, natuklasan niya na mahusay pala siyang magluto. Ayun, alas singko ng umaga, gising na. Magluluto na para by 8 a.m. ready na ang deliveries niya. May pi-pick up. Mayroong ihahatid. Dito lang naman sa aming area (Parañaque). Pero nakakatuwa mahal. 

“Ang sakit lang. Syempre sa panahong ito, kailangan mo ng kita. May sisimulan na sana kami dapat sa Viva Films. At mayroon pang isang bagong producer na dalawa ang proyektong gagawin ko. Ilang days lang naman ‘yun. Kaya sana nga, ang idinadasal ko eh, maka-alagwa na ang lahat sa maayos na paraan.”

Sa kabila ng mga problemang dinaraanan, may maganda pa ring pagtingin sa buhay niya si Lola Gets.

Nabago na nga ng Tiktok ang bawat araw niya habang hinihintay pa ang virtual call slip para sa muli na namang pagpapakita ng kahusayan niya sa pagganap bilang isang tunay na alagad ng sining.

In fairness ha, ang dami ng viewers, likers, at sharers ng kanyang TikTok episodes.

Appreciated ng marami si Lola Gets, ha!

 

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …