Saturday , November 16 2024

Fake news vs Omnibus pinabulaanan (Walang monopolyo at dagdag-presyo)

MARIING itinatanggi ng  Omnibus Bio-Medical Systems. Inc, — ang tagapamahagi ng Sansure Biotech Inc., dito sa Filipinas — ang mga paratang na nagbenta sila ng gamit sa COVID-19 testing nang mas mataas na presyo sa nararapat.

Ayon sa Omnibus, walang batayan at katotohanan ang lahat ng mga paratang. Bilang isang kompanya na nagbebenta ng gamit pang-medikal sa loob ng mahigit dalawampung taon, kilala ang Omnibus na mapagkakatiwalaan at maaasahan sa larangan ng medisina at gamot.

 

Walang basehan

“Walang katotohanan ang mga balita na direktang nagbenta ng mga Sansure Polymerase Chain Reaction (PCR) test kit sa Department of Budget and Management (DBM), Central Office Bids and Awards Committee-Department of Health (DOH), at PhilHealth,” deklarasyon ng Omnibus sa kanilang pahayag.

“Nakasandig ang aming kompanya sa sa paniniwalang nakalaan ang negosyo sa paglalaan ng pinakamainam at epektibong kagamitang pang-medisina para sa lahat. Hindi namin sisirain ang reputasyong ito, lalo sa panahon ng krisis ng COVID-19.”

Tinawag na fake news o walang katotohanang balita ng kompanyang Omnibus ang mga paratang.

Itinanggi rin ng kompanya na mayroong monopolyo sa merkado ng mga COVID-19 testing kit. Hindi alam ng mga ehekutibo ng kompanya ang pinagmulan ng ganitong mga atake.

 

Patas na presyo

Nagsimula ang pagkalito sa mga presyo ng COVID-19 testing kit na ibinibenta ng Omnibus noong lumabas ang ilang mga pahayag nang hindi nililinaw na ang ibinibenta ng kompanya ay mga package, o grupo ng mga serbisyo para sa mga kliyente.

Noong naibenta ng Omnibus ang Sansure NATCH CS Fully Automated Nucleic Acid Extraction System para sa proyektong ARK ng Go Negosyo, P1.75 milyon ang halaga nito.

Ipinaliwanag ng Omnibus, “FOB o free on board ang transaksiyon ng Go Negosyo. Sila ang nagbayad ng karagdagang mga bayarin sa transportasyon at pag-iimbak.”

Nakabase ang Sansure Biotech sa Tsina.

Nag-alok rin ng kaparehong kagamitan ang Omnibus para sa Procurement Service of DBM (PS-DBM) at sa kanilang Request For Quotation for Thermo Fisher noong 23 Abril 2020.

Isa itong ready-to-use na grupo ng mga serbisyo mula rin sa Sansure, nagkakahalaga ng P4.3 milyon.

Kabilang sa package na ito ang 25,000 NATCH consumables, kagamitan para sa RNA extraction.

Kasama rin ang karagdagang mga bayarin gaya ng transportasyon, pag-iimbak, pagpapadala, mga warranty at iba pang mga aksesorya at suplemento para sa nasabing makina, kabayaran para sa maintenance at calibration, bond at retention.

Nag-alok rin ng serbisyo na nagkakahalaga ng P4 milyon para sa PS-DBM ang Omnibus noong 6 Mayo 2020, bilang promosyon. Kasama rito ang mga materyal na gagamitin para sa marketing ng serbisyo.

Mas mababa ang presyo nito dahil inihiwalay ang presyo ng makina at NATCH consumables — iyon lamang ang pagkakaiba. Isinama ang lahat ng naunang nabanggit na karagdagang kabayaran.

Dagdag rito, tinatrabaho ito ng Omnibus habang nasa mahirap na sitwasyon at konteksto. Minamadali rin ang pagkompleto ng pagpapadala ng mga makina sa loob ng maiksing panahon.

Dahil rito, umabot ang mga bayarin ng P4.3 milyon (para sa NATCH machine at 25,000 PCR consumables), at P4 milyon (para sa NATCH machine).

Kasama itong lahat, pinaninindigan ng Omnibus ang kanilang pahayag na patas ang presyo ng mga serbisyong nabanggit.

 

Walang monopolyo

Inilinaw rin ng Omnibus na wala silang monopolyo ng PCR, NATCH machines at COVID-19 testing kits. Ayon sa kompanya, madaling kompirmahin ng kahit na sino na iisa lamang ang tatak o brand na ibinibenta ng Omnibus sa maraming mga brand na mayroon sa merkado.

Omnibus ang ekslusibong tagapamahagi ng Sansure.

Kinompirma rin ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroon mahigit-kumulang 45 aprobadong brand para sa PCR-based testing.

Kahit ekslusibong tagapamahagi ng mga produkto ang Sansure, mayroon pang hindi bababa sa tatlong kompanya na nagbebenta rin ng mga nasabing produkto. Dahil dito, imposibleng may monopolyo sa industriya ang Omnibus.

Dagdag rito, walang kapangyarihan ang Omnibus para so proseso ng bidding para sa mga nasabing test kit. Ang totoo, natalo ang Omnibus sa bidding at wala itong transaksiyon sa DBM, COBAC-DOH, at PhilHealth sa mga test kit at kagamitang nabanggit.

Hindi na nagprotesta ang Omnibus sa kanilang pagkatalo sa proseso ng bidding. Tinanggap ng kompanya ang desisyon ng gobyerno.

Idiniin ng Omnibus, “Pinahahalagahan namin ang aming mga kliyente, kaya’t hinding-hindi kami manlalamang. Naninindigan kami sa dalawang dekada ng mabuting serbisyo dahil sa mapagbigay naming mga empleyado. Pinatutunayan ng aming ISO certification ang puso namin para sa industriya ng medisina at kalusugan.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *