Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, sagana at ‘di nanlilimos ng pagmamahal

MULING napapanood sa ABS-CBN 2 ang mga lumang seryeng Got To Believe, The Legal Wife, 100 Days To Heaven, May Bukas Pa, On The Wings Of Love, at Wilflower. Stop taping muna kasi sila ng FPJ’s Ang Probinsiyano, Love Thy Woman, Pamilya Ko, Make It With You, at A Soldier’s Heart dahil sa Covid-19.

 

Sa Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador, ay kasama rito si Aiko Melendez bilang si Emilia Ardiente. Si Wendell Ramos ang gumanap na asawa niya, si Raul.

 

Sa serye ay namamalimos ng pagmamahal si Aiko kay Wendell.  Sa sumunod niyang serye after Wildflower, mula naman sa GMA 7 na Primadonnas ay ganoon din ang role niya. Gumaganap siya bilang si Kendra, na katambal ulit si Wendell, bilang si Jaime. Namamalimos din siya ng pagmamahal kay Wendell.

 

Pero natutuwa si Aiko, na sa totoong buhay ay hindi  niya kailangang mamalimos ng pagmamahal.

 

Ipinakikita rin kasi sa kanya ng current boyfriend niyang si Vice Governor Jhay Khonghun ang pagmamahal sa kanya. May Facebook post nga si Aiko kamakailan na ang sabi niya, “Pansin ko lang sa ‘Wildflower’ nanlilimos ako ng pagmamahal as Emilia ke Raul. Sa ‘Primadonnas,’ ganoon din kay Jaime. Buti na lang, sa totoong buhay, natagpuan ko na ang pagmamahal na ‘di kailangang ipilit at mamalimos. Boom!! Ahahaha! Sagana sa pagmamahal ke VG!”

 

Well, sana nga this time ay si VG Jhay na ang maging huling lalaki sa buhay ni Aiko. Natagpuan na nga sana niya ang tamang lalaki para sa kanya. Hindi na sana siya muling lumuha pa sa pag-ibig.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …