Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Avelino, pasok sa Darna; Direk Jerrold, kuntento sa performance ni Jane de Leon

NAUNANG inilabas ng manager ni Paulo Avelino na si Leo Dominguez na kasama ang aktor sa pelikulang Darna ni Jane de Leon.

Nagtanong kami sa taga-Star Cinema tungkol dito pero hindi kami binalikan hanggang sa natanong mismo ng direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog sa live session sa Cinema 76’s sa Facebook page niya kamakailan at kinompirmang kasama nga si Paulo.

Aniya, “Lumabas na iyong si Paulo ay kasama sa cast, totoo iyon.”

Nabanggit din ni direk Jerrold na sina Jane at Paulo lang ang puwede niyang banggitin dahil pumirma sila ng NDA o non-disclosure agreement.

“Iyan iyong naka-NDA. Alam ko may plan iyong marketing for announcing the cast, so ayoko muna silang unahan. Marami pang actors na kasama. Hintayin na lang natin iyong marketing, kasi baka masira ko iyong plano nila!”

At dahil sa lockdown ay pansamantalang nahinto lahat ng tapings/shootings ng lahat ng production kasama na ang Darna na ayon kay direk Tarog ay naka-16 days na sila.

Kuwento ni direk Jerrold, “Sayang, kasi before nag-quarantine, we were already about to shoot one of the biggest action scenes doon sa pelikula. May fight scene na sana kaming isu-shoot noong end of March.”

Samantala, nagkuwento ang direktor na kuntento siya sa performance ng bagong Darna ngayon na si Jane.

“Base roon sa mga na-edit na namin na rough cut, I’m really happy with how it’s going so far. Jane de Leon is doing really, really good.

“Nae-excite ako for Jane. Gusto ko matapos iyong pelikula para makita ng mga tao iyong trabaho niya.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoanv

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …