Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga panooring kapaki-pakinabang sa mga bata handog ng iWant

NGAYONG nasa bahay ang mga bata, samahan silang matuto ng mga bagong kaalaman habang nalilibang sa pamamagitan ng panonood ng mga programa at pelikula sa iWant na magpapalalim at magpapalawak ng kanilang isipan.

 

Subaybayan ang masasayang adventure sa animated TV shows na  Peppa Pig, kasama si Peppa at ang kanyang pamilya at kaibigan,  Monk, tungkol sa isang masayahing asong paulit-ulit na bumabangon mula sa kamalasan, at Max Steel, tungkol sa isang batang gagamitin ang kapangyarihan para ipagtanggol ang kanilang bayan. Ilulunsad din ng iWant ang unang pambatang animated series nitong Jet and the Pet Rangers ngayong Abril 3.

 

Nasa iWant din ang mga programang kinalakihan at minahal ng mga Pinoy, gaya ng Sine’skwela na kaagapay ang mga manonood sa pagtuklas ng mga komplikadong konsepto sa siyensiya at teknolohiya,  Bayani na ipinakikita kung paano ipinaglaban ng mga Filipinong bayani ang bansa, at Hiraya Manawari na nagpapakita ng mga karakter na nagpapamalas ng mga mabuting asal.

 

Anuman ang edad, makapupulot naman ng mga bagong kaalaman sa barkada ng Team Yey, tampok ang 148 episodes na huhubog sa mga bata sa larangan ng musika, pagsasayaw, sining, laro at sports, kapaki-pakinabang na kasanayan, at kalusugan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …