Saturday , December 21 2024
HINDI nakapalag nang posasan nina P/MSgt. Edward Bengbeng at P/Cpl. Erwin Balao, sa kasong ‘sexual intent’ at possession of illegal drug and ammunitions ang security guard ng Premier Medical Center, matapos ireklamo ng panggagahasa ng asawa ng kaniyang kapatid, habang nasakote ang tatlong tulak na kinilalang sina Jeric Rivera, alyas Tsupa, Sherwin Bautista, at Noel Cunanan, mga tauhan ni P/Lt. Col. Elmer Decena, hepe ng Apalit Police, sa pangunguna ni P/Cpl. Marcelino Gamboa, matapos ang inilatag nilang buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Apalit, lalawigan ng Pampanga. (Kuha ni LEONY AREVALO)

16 sachet ng shabu kompiskado 8 kilabot na tulak timbog

ARESTADO ang walong hinihinalang notoryus na drug pushers kabilang ang apat na bigtime tulak na itinuturing na high value target (HVT) drug personality makaraang masakote ng mga operatiba ng Candaba Police Anti-illegal Drugs Enforcement Unit, sa  pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency-3 (PDEA-3) matapos ang sunod-sunod nilang inilatag na buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Candaba, sa lalawigan ng Pampanga.

Nabatid, sa isinumiteng ulat ni P/Lt. Col. Santos Mera Jr., hepe ng  Candaba Police, sa tanggapan ni PRO-3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia, kinilala nina P/Capt. Michael Rey Bernardo, P/Cpl. John Turqueza, at P/Msg. Boss Due, ang apat na bigtime drug pusher na sina Jeff John Yambao, 47, nasamsaman ng isang sachet ng hinihinalang shabu at isang 9mm pistol berette, at magasin na may tatlong bala sa loob ng kaniyang Toyota Fortuner, may plakang ZHK 493; Christian Venzon, 27; Roland Sta. Maria, nakompiskahan ng 15 sachet ng hinihinalang shabu, dalawang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang P500-bill  marked money at isang Toyota Vios, may plakang ZAL 477.

Kasama rin sa mga nadakip ang mga hinihinalang tulak na sina Arnel Gamboa, Cedrick Monte, Felipe Belen, at Melencio Gabriel, pawang mga taga-Candaba, sa lalawigan ng Pampanga.

Ayon kay P/Lt. Col. Mera, Jr., nasa kustodiya ng Pampanga Provincial Jail ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11 ng RA 9165 makaraang masakote nina P/Cpl. Chis Carlo Celso, P/Cpl. Jefferson Pablo at P/Ssg. Joseph Pelayo, matapos ang inilatag nilang anti-illegal drug buy bust operation sa naturang bayan.

 (LEONY AREVALO)

About Leony Arevalo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *