Thursday , December 26 2024

Nag-iisang distributor ng koryente sa Iloilo City… ERC tumindig pabor sa More Power

NANINDIGAN ang Energy Regulatory Com­mission (ERC) na ang More Electric and Power Corp (More Power) ang nag-iisang distribution utility sa Iloilo City na may legislative franchise gaya ng itinatakda ng batas at nag-iisang kompanya na inisyuhan nila ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) para mag-supply ng koryente sa buong Iloilo City.

Ayon kay ERC Chair­man Agnes Devanadera, kahit may usaping legal sa pagitan ng Panay Electric Com­pany (PECO) at More Power kabilang ang nakabinbing kaso sa Iloilo Regional Trial Court na isang expropriation case, hindi nito kayang pigilan kung patungkol sa operasyon ng Distribution Utility ang pag-uusapan dahil ang huridiksiyon na ito ay hawak ng ERC alin­sunod sa itinatakda ng EPIRA law.

“We respect the cases pending in the lower courts but the fact remain that the ERC has the exclusive authority by virtue of the law when it comes to supply of electrcity, power and generation rates and operation of Distribution Utilities. We stand by our March 5 order that More Power should be the one who should supply the electricity in Iloilo City,” paliwanag ni Devandera.

Iginiit ni Devandera, dahil nagsalita ang ERC ukol sa isyu, ang desisyon nito ang dapat manaig at pakinggan ng mga taga-Iloilo.

“More Power is recognized as the only Distribution Utility of Iloilo City, this should be clear among parties,” paliwanag ni Devandera na ang paglilinaw umano ay ginagawa ng ERC upang maiwasan ang gulo na nangyayari ngayon sa lalawigan.

Sinabi ni Devan­dera, hindi dapat malito ang mga residente kung saan magbabayad ng kanilang billing dahil malinaw sa kanilang order na ang More Power ang kanilang kinikilala bilang lehitimo at nag-iisang Distri­bution Utility sa Iloilo.

Samantala, inilinaw din ni Devanadera, walang nilalabag ang More Power nang mag-operate kahit wala pang Certificate of Exemption mula sa Department of Energy (DOE), aniya, ang kaso ng More Power ay maituturing na emergency dahil ang kanilang ikinokonsidera rito ay matiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo ng pagbibigay ng supply ng koryente sa mga resi­dente.

Inaasahan umano na magpapalabas ng sertipikasyon ang DOE sa operasyon ng More Power dahil ito ang may hawak ng prankisa.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *