Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Aktres, walang utang na loob

SOBRANG bestfriend to the max ang kilalang aktres at kilalang personalidad na malapit sa showbiz na kung hindi kami nagkakamali ay may dalawang dekada na.

Noong walang-wala pa ang kilalang aktres ay tinutulungan siya ng kilalang personalidad kaya naging malapit ang dalawa na ipinagpasalamat naman din ng una.

Hanggang sa lumuwag na ang buhay ng kilalang aktres ay mas lalong naging mahigpit ang pagkakaibigan nila at sa lahat ng intrigang kinaharap ng bawat isa ay magkakampi at ipinagtatanggol nila ang isa’t isa.

Hanggang sa isang pagkakataon na nasubok ang friendship nila dahil itong si kilalang personalidad ay may kaunting pabor na hiningi sa kanyang kaibigang kilalang aktres na unang beses itong ginawa sa tagal ng pagsasama nila as bestfriends.

Hindi ito pinagbigyan ng kilalang aktres bagay na ikinalungkot nang husto ng kilalang personalidad at unti-unti na siyang lumayo dahil importante sa kanya ang maliit na pabor na iyon dahil involved ang anak niya.

Kaya ngayon, sira na ang pagkakaibigan ng dalawa at ang kilalang personalidad, ayaw na ayaw niyang maririnig ang pangalan ng kilalang aktres.

Bale ba, nagsunod-sunod na ang mga balitang naglabasan tungkol sa ugali ng kilalang aktres na hindi lang pala ang kilalang personalidad ang ginawan niya ng hindi maganda, lahat ng katrabaho niya.

Si kilalang personalidad ay ipinanalangin niya na sana magising sa katotohanan ang kilalang aktres para bumalik sa pagiging humble tulad noong walang-wala pa siya.

Ang kilalang personalidad ay mayaman ang angkan at may sariling negosyo kaya siguro kumapit noon ang kilalang aktres, eh, ngayong marami ng datung ang huli, hindi na niya kailangan ang kaibigan.

Oh well, abangan ang susunod na mangyayari.

(Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …