Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LizQuen series, ikalawa sa may pinakamataas ng ratings sa Dos

ANG lakas talaga ng LizQuen dahil sa free TV ay ikalawa sila sa may mataas na ratings na napapanood sa primetime ng ABS-CBN at sa iWant naman ay kasama rin ang Make it with You sa most viewed digital series.

Sa kasakulukuyang umeere ngayon ay niyaya ni Rio (Katarina Rodriguez) na mag-usap sila ni Billy (Liza Soberano) para linawin ang lahat at kung ano ang pagkakakilala niya sa dalaga noong sila pa ni Gabo (Enrique Gil) sa Croatia.

Nagawan ng paraan ang umereng kuwento ng Make It With You noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14 na walang date si Gabo sa girlfriend niyang si Rio dahil ang kasama niya ay ang ex-girlfriend niyang si Billy  na nakita niya sa bar at sumama ang pakiramdam nito dahil sa ininom na ice tea na nilagyan ng gamot.

Hindi in-approve ni Gabo ang proposal ni Billy sa harap ng board member’s para sa bagong lasa o bagong bihis ng mga tinapay na idaragdag nilang paninda ng Tinapay Corner tulad ng Kabayan with Chocnut, Pinagong, Putok, at ang famous na Panderegla (paborito namin) na lalagyan ng Red Dragon Fruit Jam.

Pinalakpakan si Billy ng lahat ng board members’ pero hindi si Gabo dahil sadyang hinahanapan niya ng butas para hindi tuluyang maka-penetrate ang dating kasintahan sa Tinapay Corner dahil nga Global ang target nila at hindi locally.

Sa sama ng loob nagyaya si Bily na mag-bar kasama ang mga kaibigan at si Isputnik (Khalil Ramos).

Dinala ni Gabo si Billy sa ospital para ipa-check up at nalamang may naglagay ng pampatulog sa ininom nitong ice tea.  At dahil ayaw magpahatid ng dalaga sa bahay nila sa ganoong itsura kaya inuwi siya ng binata sa bahay niya at doon nagpalipas ng magdamag.

Amoy suka ang damit ni Billy kaya hinubad niya ito na ikinagulat ni Gabo at ginising ang kasama sa bahay para siya ang magbihis sa dalaga.

Kaya namin nasulat na walang date sina Gabo at Rio ay para hindi naman mawala sa eksena si Billy.

Sa huling panayam kasi namin sa LizQuen ay inamin nilang wala silang Valentine’s date dahil may taping sila ng Make it with You.

Pero may linya si Liza, “kung sa kuwento ng ‘Make it with You,’ siguro sila ni Rio ang may date kasi sila ang mag-dyowa, eh.”

Biglang napatingin si Quen sa girlfriend na tila may laman kaya marahil dito rin nakita ng writers ng show kahit wala silang date sa kuwento ay sila naman ang magkasama, ‘yun nga lang magkaaway sila at si Rio galit din.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …