Saturday , November 23 2024
PINANGUNAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang pag-aalay ng bulaklak sa pagdiriwang ng 75th Commemoration of the Battle of Manila na ginanap sa Manila City Hall Freedom Triangle na nilahukan ng mga imbitadong Ambassadors ng United States of America, United Kingdom, China, Australia, Mexico, at Spain. (BONG SON)

75th anniversary ng Battle for Manila ginunita sa lungsod

GINUNITA ng pama­halaang lungsod ng Maynila ang kata­pangan at pagmamahal sa bayan ng mga Filipi­no noong panahon ng digmaan upang maka­mit ang pag-asa at demokrasya.

Sa ika-75 anibersar­yo ng Battle for Manila, pinangunahan ni Mayor Francisco “Isko” Do­ma­­goso, ang program at sinabi ng alkalde na isantabi na ang hindi pagkakaunawaan.

Aniya, 75 taon na ang nakalilipas at ma­ra­mi na ang nagbago.

“Ang digmaan na nagdulot ng mga pag­hihirap, gutom at sugat na naghilom ngunit ang aral na hindi malili­mutan ang pag­mama­hal sa bayan ano man ang sitwasyon,” paha­yag ng alkalde.

Ngayon, aniya, isan­tabi ang hindi pagkaka­unawaan sa politika at importanteng ipakita ang pasasalamat sa ating mga tradisyon at kultura dahil tayong mga Filipi­no, ay mahilig tumanaw ng utang na loob.

Nagpasalamat din ang alkalde sa lahat ng mga beterano na nakara­nas ng paghihirap sa dig­maan  dahil sa kanilang pagmamahal sa bansa, pagsasakripisyo ng kani­lang buhay at pagtatang­gol sa bayan.

Inalala rin ni Mayor Isko si dating Mayor Ramon Bagatsing na isa sa survivor ng death march sa Bataan.

Sa nasabing pagdiri­wang, pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng diplomatic corps na nagsidalo kabilang si USA Ambassador H.E. Dung Yong Kim, United Mexican States Ambas­sador H.E. Getardo Lozano Arredondo, Peoples Republic of China  Ambassador H.E. Huang Xilian, Australian Ambassador H.E. Steven J. Robinson, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland Ambassdor H.E. Daniel Robert Pruce.

Dumalo rin si Col. Leodigario V. Macalintal PAF, AFP Air Force Provost Marshall-Mili­tary Host, mga kawa­ni ng pamahalaang lung­sod, Veterans Federation of the Philip­pines and Hunters  ROTC Guerrilla Association, Philippine Veterans Affairs Office at ilang ahensiya ng gobyer­no.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *