Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malaking personalidad, magpapa-manage sa Cornerstone

NANG makausap naman namin ang manager ni Kit na si Erickson Raymundo sa kanyang opisina nitong Huwebes ay natanong namin kung sino ang mas bolder sa kanila ni Markki Stroem na walang pakialam ding maghubad kapag kinakailangan sa eksena.

“Pareho lang sila, si Markki, matindi rin ‘yun, mga foreigner kasi kaya walang mga pakialam. Ako naman deadma lang as long as kailangan sa scene at saka matatanda na sila, gusto naman nila,” pahayag ni Erickson.

Masaya ang pagpasok ng 2020 sa Cornerstone Entertainment, Inc. dahil kaliwa’t kanan ang projects ng mga alaga nila na ayaw pang banggitin ni Erickson dahil under negotiation pa ang iba.

Sigurado naman na ang teleserye ni Sam Milby na nagkaroon ng storycon and reading of script nitong Biyernes na may titulong What Matters Most kasama sina Maricel Soriano, Iza Calzado, at Jodi Sta. Maria mula sa unit ni Julie Anne R. Benitez at kung walang pagbabago ay ngayong linggo ang simula ng taping mula sa direksiyon ni FM Reyes.

Nasa Cornerstone na si ex-Quezon City Mayor Herbert Bautista at kasama siya sa teleseryeng Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil na kasalukuyang umeere ngayon sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Ang mga movie direktor na talent ng Cornerstone tulad nina Irene Emma Villamor ay ipalalabas na ang On Vodka, Beers and Regrets mula sa Viva Films sa Pebrero 5; Antoinette Jadaone, ang Fan Girl ni Paulo Avelino na wala pang playdate; at si Binibining Joyce Bernal naman ay busy bilang consultant at producers sa lahat ng mga pelikulang gagawin ng mga alaga nila.

Ang mga singer naman na hindi na namin iisa-isahin ay napapanood sa ASAP Natin ‘To, out of town/out of the country shows at corporate show.

Ang pinakamalaking talent na hawak ni Erickson na si Kris Aquino ay maraming inquiries for an endorsement at shows pero hindi pa niya ito sinasabi sa Queen of Social Media hangga’t hindi pa done deal.

Anyway, may malaking personalidad din na gustong magpa-manage sa Cornerstone na hindi pa puwedeng isulat hangga’t hindi pa sarado ang usapan. At ‘pag natuloy ito, isa kami sa matutuwa dahil gusto namin ang taong ito.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …