Saturday , November 16 2024

Quo warranto ihahain sa SC… Calida atat sa ABS-CBN

WALANG basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Solicitor General Jose Calida na bawiin ang prankisa ng ABS-CBN, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ang pahayag ay ginawa ni Panelo kasu­nod ng plano ni Calida na maghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa ‘validity’ ng prankisa ng naturang TV network.

Ayon kay Panelo, ang plano ay sariling aksiyon ni Calida, kilalang sup­porter ng pamilya Marcos, dahil tungkulin niya ito bilang pinuno ng nasabing tanggapan.

Anang Presidential Spokeman, nabasa na niya ang report ngunit kailangan pa niyang kompirmahin sa Solicitor General kung ang planong paghahain ng petisyon para bawiin ang prankisa ng TV network ay bina­balangkas pa o nagawa na.

Idinagdag ni Panelo na ang aksiyon ng OSG ay walang kinalaman sa naunang pahayag ni Duterte na dapat nang ibenta ang ABS-CBN dahil walang plano ang  Chief Executive na i-renew ang prankisa nito.

“You must remember that the job of the SolGen is to file the appropriate petitions when he sees or feels that there’s a transgression of franchises or any law for that matter,” ani Panelo.

Samantala, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi nata­talakay sa Cabinet meeting ang quo warranto petition laban sa ABS-CBN.

Ayon kay Guevarra, ang legislative franchise ng TV network ay pahap­yaw lang na tinalakay, ilang buwan na ang nakalilipas.

“The renewal or non-renewal of the ABS-CBN franchise was casually mentioned in a Cabinet meeting several months ago, but the filing of a quo warranto has never been discussed at all,” ani Guevarra.

Magugunitang mainit ang Pangulo sa ABS-CBN dahil hindi ipinalabas ang kanyang political ads noong panahon ng kam­pan­ya kahit na naka­pagbayad na siya, at sa halip ay mas pinaboran ang political ads ng kanyang kritiko na si dating Senador Antonio Trillanes IV.

HATAW News Team

PANELO SINOPLA
SI LACSON

“TALK to your lawyers, hindi ka naman abo­gado.”

Ito ang buwelta ng Palasyo sa pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na mauuwi sa constitutional crisis ang nakaambang paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema para sa prankisa ng ABS-CBN.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas maka­bubu­ting kumonsulta muna si Lacson sa kanyang mga abogado lalo’t hindi naman siya nakapag­tapos ng abogasiya.

Trabaho aniya ng Solicitor General na maghain ng kaso laban sa sino man na lumalabag sa batas.

Ibang usapin aniya ang pagre-renew ng prankisa dahil malinaw na ang kongreso ang may pasya nito at iba rin kung may nilabag sa prankisa ang ABS-CBN.

Magkahiwalay aniya na usapin ang dalawa at hindi dapat malito si Lacson.

Nakatakdang magta­pos ang prankisa ng ABS-CBN sa darating na Marso at hanggang nga­yon ay hindi pa umu­usad sa kongreso ang renewal nito.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *