Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia Montes, balik-showbiz na

SOMETIMES, some people are just worth the wait. Welcome back! #24/7 #Exterminate.” Ito ang post ng Dreamscape Entertaimment business unit head, Deo T. Endrinal sa litratong magkasama sila ni Julia Montes kahapon ng umaga.

Yes, magiging aktibo na ulit sa showbiz ang aktres na mahigit isang taong nagbakasyon simula pa last quarter ng 2018.

Matatandaang nagbakasyon si Julia sa Germany noong 2018 para makasama ang amang si Martin Schinittka at pamilya nito ng Pasko at Bagong Taon, pero na-extend ang aktres.

Ang ganda rin ng ngiti ng manager niyang si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone Management sa litratong kuha nila sa opisina nito na ang caption, “Welcome back @montesjulia08! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!”

Nagpadala kami ng mensahe sa handler ni Julia na si Mac Merla para makapanayam ang dalaga, “soon po,” ang sagot sa amin.

Abangan ang mga proyektong gagawin ni Julia ngayong 2020.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …