Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Make It With You pilot episode, hataw agad; Liza at Enrique, masarap panoorin

ANG ganda ng pilot episode ng Make It With You at ang ganda-ganda ng Croatia, ang sarap panoorin tapos ang ganda at ang guwapo pa ng mga bidang sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Galing Manila si Enrique at may tinakasan hanggang sa naging biktima ng human trafficking at nang magkaroon ng check point ay nagawa niyang tumakas hanggang sa napadpad sa lugar kung saan siya nakahingi ng tulong para sumabay sa delivery truck patungo sa siyudad ng Croatia.

Umpisa palang ay may koneksiyon na kaagad sina Gabo at Billy (Liza) dahil nang makita ng huli na nawalan ng malay ang binata ay pinagulungan niya ng mansanas para may makain at naramdaman iyon at pilit na ibinuka ang mga mata at ang tanging nakita ay ang tsinelas na asul at puting damit.

Nasambit ni Gabo sa isip niya na binigyan siya ng bagong pag-asa ng nagbigay ng mansanas at nangakong hahanapin para personal na pasalamatan.

Nakaipon ng lakas ang binata at nakita niya ang kapwa niya walang matirhan na nangangalakal ng botelyang plastic at ibinebenta na ginaya niya at at nakabili ng pagkain at ilang damit dahil nanakaw ang mga ito nang makatulog siya ng mahimbing sa sirang bangka.

Kung saan-saan nakarating si Gabo hanggang sa nakita na naman niya ang babaeng may suot ng asul at sinundan-sundan niya pero biglang nawala, kasi pala nag-change outfit si Billy dahil sa raket niya.

Manggagantso si Billy sa mga gustong maka-date siya at kaya niya ginagawa ay para may maibigay sa may-ari ng bahay na tinitirhan nila ng kapatid niyang si Fumiya at nag-iipon din para sa pamilya.

Hanggang sa nagtagpo na sina Billy at Gabo na inakala ng una ay ang huli ang ka-date pero mali pala kaya nagkakilala na rin sila sa wakas hanggang sa lagi nang nasusundan ng binata ang dalaga.

Bitin dahil biglang tinapos na ang Monday episode at abangan ang Tuesday episode dahil hindi na makaraket si Billy dahil ibinuking siya ni Gabo at tinutuya pang manloloko at dito na magkakaroon ng gusot ang dalawa. Kaya abangan ang Make It With You simula Lunes hanggang Biyernes at sa mga hindi nakapanood sa regular timeslot, maaaring mapanood sa iWant.

Ang Make It With You Croatia episode ay mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina at si direk Richard Arellano naman ang direktor sa mga eksena sa Pilipinas.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …