Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
UMABOT sa ika-limang alarma ang sunog sa isang residential at commercial building sa Lakandula St., Tondo, Maynila, kahapon. (BONG SON)

17 sugatan sa sunog sa Tondo

SUGATAN ang 17 katao sa nasunog na commercial at residential area sa Tondo, Maynila kahapon.

Sa ulat ng Manila DRRMO, inakyat sa 5th alarm ang sunog na nagsimula sa ikalimang palapag ng gusali.

Dakong 5:00 am nang sumiklab ang apoy sa nasabing gusali na matatagpuan sa Lakandula St., Tondo, Maynila malapit sa Sto. Niño church.

Ayon sa BFP-Manila, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng residential at commercial building na pag-aari ni Perfecto Sy Tiu.

Nadamay ang patahian sa rooftop at bodega ng tela  na nasa ikaapat na palapag ng gusali.

Ayon kay Tiu, natutu­log siya sa ikatlong palapag nang sumiklab ang sunog dahilan para masugatan ang kamay mula sa mga tumalsik na debris.

Tinatayang aabot sa halos P3 milyon ang hala­ga ng pinsala sa sunog sa dalawang gusali.

Ayon kay Fire Inspector John Joseph Jalique ng Manila Fire Bureau, ang mga nasu­gatan ay kinabibilangan ng mga nagrespondeng bombero at mga residente sa nasusunog na gusali.

Isa sa mga nasugatan ang residenteng si Junjun Fornel na may galos sa kaniyang katawan mata­pos tumakas mula sa 4th floor ng gusali para makababa.

Ayon kay Fajardo, nagpadausdos siya sa isang tubo para maka­baba sa nasusunog na gusali.

Inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog na idine­klarang fire under control 9:17 ng umaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …