Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joem at Meryll, aamin na kaya?

NGAYONG gabi ang finale presscon ng teleseryeng Starla nina Judy Ann Santos, Enzo Pelojero, at Jana Agoncillo kasama sina Joem Bascon, Meryll Soriano, at Joel Torre handog ng Dreamscape Entertainment.

Ang tanong, aminin na kaya nina Joem at Meryll na sila na ulit base na rin sa ipinost na litrato ng tiyuhin ng aktres na si Mel Martinez na kasama nila ang una noong salubungin nila ang bagong taon?

Base sa litratong ipinost ni Mel ay buong pamilya Soriano silang magkakasamang nagpakuha ng litrato sa sala kasama si Maricel Soriano sa gitna habang nasa kanang bahagi naman si Joem kasama si Meryll kasama ang anak na si Elijah Palanca.

Since magkasamang sinalubong nina Joem at Meryll ang 2020, ano pa ba ang ibig sabihin niyon?

Huli naming nakausap si Joem sa grand presscon ng Culion sa Novotel at itinanggi niyang nagbalikan sila ni Meryll dahil gusto muna niyang magpahinga at ayusin ang sarili.

Si Meryll naman ay iniwasang sagutin din ang tungkol sa kanila ni Joem noong grand presscon at premiere night.

Wala namang kokontra kung sila ulit dahil pareho silang single at higit sa lahat, matatanda na sila ’no?  It’s about time na bumuo na sila ng pamilya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …